Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa maaaring dumulog sa Department of Migrant Workers (DMW) epektibo sa July 1 ang undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs).
Kasabay ito ng paglilipat ng assistance sa DMW mula sa DFA.
Nilinaw naman ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega, mananatili ang ₱1 billion assistance to nationals’ fund nila.
Aniya, may hiwalay na aksyon fund ang DMW para sa pagtulong sa OFWs tulad ng legal o medical assistance, repatriation at shipment of remains.
Facebook Comments