Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hulyo.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala noong Hulyo ang 6.9% unemployment rate na katumbas ng 3.07 na mga unemployed Filipinos.
Mas mababa ito kumpara 7.7% unemployment rate o 3.73 million na walang trabaho noong Hunyo.
Anim na rehiyon naman ang nakitaan ng pagtaas sa unemployment rate kung saan nangunguna ang National Capital Region (9.0%); Central Visayas (8.8%); Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (8.2%); Bicol Region (7.9%); CALABARZON (7.7%) at MIMAROPA (7.1%).
Ito ay bunsod ng pagbaba ng labor force participation rate (LPFR) sa pinakamababang lebel ngayong taon na nasa 59.8% dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, posibleng tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa Agosto kasunod ng ilang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ.
“Nakita na natin in the past months, ito ay frequent na na nire-report ng Philippine Statistics Authority, nakikita talaga natin na kapag may strict lockdown sa isang area, city o province talagang tumataas yung ating unemployment rate,” ani Mapa.
Samantala, tumaas naman sa 93.1% ang employment rate na pinakamataas mula nang tumam ang pandemya sa bansa.
Katumbas ito ng 41.7 milyong Pilipino na may trabaho o 3.4 milyong mas mababa kumapara sa naitala noong Hunyo.
Habang nakapagtala naman ng 20.9% na under-employement rate.