Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang negatibong epekto ng P35 na minimum wage increase.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, posibleng pataasin ang wage hike ng unemployment rate ng bansa at magkakaroon din ito ng maliit na epekto sa national output ng Gross Domestic Product.
Tinatayang nasa 40,000 hanggang 140,000 na mga manggagawa ang maaapektuhan, depende sa rehiyon at sa laki ng itinaas ng dagdag na sahod.
Hindi naman aniya, ito magiging pangmatagalang suliranin dahil masigla ang labor market at patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Kaya’t may mga magbubukas ding mga bagong oportunidad para sa mga posibleng mawalan ng trabaho.
Facebook Comments