Unemployment rate sa buwan ng Hulyo, bahagyang bumaba ayon sa PSA

Nabawasan ng 10% ang bilang ng nawalan ng trabaho sa buwan ng Hulyo matapos na luwagan na ang ipinatutupad na community quarantine sa bansa.

Mula sa 7.3 million na unemployment rate
noong Abril, naitala na sa 4.6 milyon ang mga Pilipinong walang trabaho o negosyo nitong nakaraang July.

Ito ay mas mataas ng 2.2 milyon kaysa sa bilang noong July 2019 na nasa 5.4% o 2.4 milyon.


Ito’y dahil sa binuksan na ang mga negosyo at industriya sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ ang regional centers sa bansa.

Pinakamataas ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8% o katumbas ng 9290,000.

Ito ay mas mataas kaysa sa underemployment rate noong July ng nakaraang taon na nasa 13.6%.

Samantala, noong April 2020, ito ay mas mataas na nasa 18.9%.

Facebook Comments