Inihayag ng Public Employment Services Office Pangasinan na bumaba ang unemployment rate ng lalawigan ngayon.
Base sa pinakahuling monitoring ng PESO Pangasinan as of April 2023, bumaba ang unemployment rate ng lalawigan kung saan sa Working Population sa lalawigan ay nasa 1, 950, 882 o katumbas ng 60%.
Nasa 56, 097 naman ang kabilang sa unemployed o nasa 4.5% walang trabaho.
Nasa 1, 246, 613 ang kabilang naman sa Labor Force, 1, 190, 515 ang may trabaho o employed at 158, 319 ang mga underemployed o katumbas ng 12.7%.
Ayon sa PESO Pangasinan bunga ito ng tuloy-tuloy na misyon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na ilapit ang trabaho sa mga Pangasinense upang masugpo ang kahirapan at mas marami ang makapag-trabaho.
Ayon naman kay Ma. Richelle Mones Raguindin ng PESO Pangasinan ito ay upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad na trabaho sa pamamagitan ng mga isinagawang mg Job Fair Caravan na umiikot sa iba’t ibang panig ng Pangasinan alinsunod sa mithiin at layunin ng pamahalaan na paunlarin ang lalawigan sa pagpapalapit ng trabaho sa mga job seekers sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments