UNEMPLOYMENT RATE SA PANGASINAN, BUMABA WV

Bumaba ang unemployment rate sa Pangasinan ayon sa latest na datos ng Philippine Statistics Authority Labor Survey.
Lumalabas sa datos, na noong 2021 nasa 7. 7 ang unemployment rate ng probinsiya, mababa ito kumpara noong 2020 na nasa 13. 4%.
Ayon kay Alex Ferrer ang PESO Officer, mababa ang unemployment rate ng probinisya kumpara sa national unemployment rate na 8.1% sa parehas na panahon.

Naging posible ang pagbaba ng unemployment rate dahil sa mga isinasagawang programa at trainings ng pamahalaang panlalawigan.
Kabilang na rito ang Mobile Skills Training Project na nakapag train ng 3, 098 na Pangasinense kung saan higit 2, 000 ay self-employed at ang iba ay nagtratrabaho sa construction company. | ifmnews
Facebook Comments