Unemployment Rate sa Pangasinan isa sa mga Sentro ng SOPA ni Governor Espino

Unemployment Rate sa Pangasinan isa sa mga Sentro ng SOPA ni Governor Espino
Sa State of the Province Address(SOPA) ni Governor Amado Espino III kahapon ibinahagi nito na bumaba ang Employment Rate ng probinsiya.
Nasa 5. 2% na lamang ang unemployment rate noong Enero ngayong taon mas mababa ito kumpara noong 2017 na mayroong 8.7% at 2018 na mayroong 6. 8%. Sa taong 2017 mayroong 95. 935 ang naitalang walang trabaho at ngayon ay mayroon na lamang 59, 291. Ito na umano ang pinaka mababang natamo ng Pangasinan sa loob ng 15 taon ayon sa Philippine Statistics Office.
Ayon Kay Governor Espino bunga ito ng maigting na kampanya ng probinsiya sa Job Employment at Manpower Development. 900 na katao na umano ang natulungan ng Mobile Job Fair at at patuloy rin ang Mobile Skilss Project o MSTP na nagbibigay ng kasanyan sa hard skilss gaya ng carpentry at soft skills.
Target ng probinsiya na madagdagan ang training bus upang mas bumaba pa ang unemployment rate ng Pangasinan.
[image: 55576104_2178259969155196_7822517764060348416_n (1).jpg]

Facebook Comments