Unemployment rate sa Pilipinas noong Abril – bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng unemployment rate sa Pilipinas noong buwan ng Abril.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) bumagsak ng 5.7% ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho base na rin sa resulta ng labor force survey ng Philippine Statistic Authority.

Mula ito sa naitalang 6.1 percent noong abril ng nakaraang taon.


Bukod dito, bumababa rin ang under-employment rate ng bansa sa 16.1%.

Ito na ang pinakamababang under employment rate ng Pilipinas na naitala sa nakalipas na mahigit sampung taon.
DZXL558

Facebook Comments