Unemployment rate sa Pilipinas para sa buwan ng Hulyo, posibleng pumalo sa record high 22.9%

Inaasahang papalo sa 22.9% ang unemployment rate sa Pilipinas para sa buwan ng Hulyo bunsod ng mahabang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Mas mataas ito kumpara sa 17.7% jobless rate noong Abril.

Ayon kay Nicholas Antonio Mapa, senior economist ng Pilipinas mula sa Dutch banking company na I.N.G, marami ang nawalan ng trabaho noong Abril matapos na magsara ang maraming kumpanya dahil sa pagkalugi.


Bukod dito, nakaranas din ng recession sa ekonomiya na nagresulta naman ng pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 16.5% sa second quarter ng taon.

Lumalabas din sa preliminary results ng survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 7.3 milyong manggagawa ang walang trabaho na mas mataas mula sa 2.3 million noong nakaraang taon at 2.4 milyon nitong Enero.

Samantala, sa Biyernes, Setyembre 4, 2020, ilalabas ng PSA ang resulta ng kanilang labor force survey para sa buwan ng Hulyo.

Facebook Comments