UNESCO WORLD HERITAGE SITE | PCG, handang-handa sa diving season ngayong buwan ng Marso

Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinaistambay na nila ang kanilang Hospital Ship sa Puerto Princesa bilang preparasyon sa pagsisimula ng mahabang dive sa UNESCO World Heritage Site na Tubattaha Reef na binubuo ng 130, 000 ektaryang bahagi ng karagatan o Marine Park sa gitna ng Sulu Sea. Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, daan-daang scuba divers mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang gagalugad sa makasaysayang Reef. Dagdag pa ni Balilo na ang mga diver aniya ay kinabibilangan din ng mga Marine Biologist at mga Scientist upang magmasid sa 600 species ng tropical fish, 350 species ng soft at hard coral, 14 na species ng mga pating gaya ng tiger shark, white at black tip sharks at 12 species ng dolphins, balyena, mga pawikan at iba pang pambihirang species na nabubuhay sa karagatan na doon lamang matatagpuan. Paliwanag ni Balilo na mahalagang mailapit pa sa Tubataha Reef ang BRP Batangas, isang search and rescue vessel ng PCG na nagtataglay ng decompression chamber, hyperbaric doctor (mga doctor na eksperto sa decompression sickness), na handang tumulong sakaling may diver o magkaroon ng tinatawag na decompression sickness, na dito ay ginagamit ang proceso ng Hyperbaric Oxygen Therapy. Bilang pagsisimula ng Dive Season ngayong summer, ang mga maaring puntahan na mga Scuba Diver ang Apo Reef sa Mindoro Occidental at sa Coron, Palawan, Borracay at sa Tubbataha Reef.

Facebook Comments