UNGANG ARAW | Mga iligal na motorsiklo na nag-ooperate bilang public utility vehicle, nasampolan ng LTFRB

Manila, Philippines – Marami ang unang nasampolan sa operasyon na isinagawa sa buong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa Transport Network Company na Angkas.

Isinagawa ng LTFRB ang panghuhuli sa Pasay Rd. Cor. Edsa at Ayala Cor. Edsa Makati City.

Marami sa mga pinara ay nagdahilan na ang angkas ay mga kamag-anak, kaibigan, o kasintahan.


Isa sa mga nahuli ay tinakpan pa ng electrical tape ang marking na Angkas sa likod ng helmet.

Ang mga nahuling lumabag sa LTFRB resolution ay pagmumultahin ng six thousand pesos at papatawan ng tatlong buwan na pagkaka impound sa sasakyan at pagka blacklist ng may ari ng sasakyan sa pagkuha ng Certificate of Public Convenience.

Hinikayat ng LTFRB ang publiko na huwag tangkilikin ang mga motorsiklo na ginagamit bilang PUV dahil maliban sa usapin ng seguridad at di regulated ang paningil dito ng pamasahe.

Facebook Comments