Itinuturing ng Commission on Human Rights na isang oportunidad ang naging pagpabor ng UN Human Rights Council Nations sa Iceland resolution para paghusayin ng gobyerno ang human rights situation sa bansa.
Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ng CHR na dapat ipakita ng gobyerno na kumikilala ito sa mga pandaigdigang patakaran sa kahalagahan ng buhay.
Dapat na irespeto ng administrasyong Duterte ang kaugalian ng mundo sa usapin ng karapatang pantao.
Ayon sa CHR, dapat ikonsidera ng gobyerno ang posisyon nito sa pagpapatawag ng isang independent investigations sa mga nangyayaring patayan kaugnay ng giyera sa illegal drugs.
Facebook Comments