Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na gamitin ng gobyerno ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) para bigyang linaw ang mga isyu sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary, Rev. Fr. Jerome Secillano – posibleng may tinatago ang gobyerno kaya tinatanggihan nito ang imbestigasyon sa madugong kampanya kontra ilegal na droga.
Pero sabi ni Secillano na oportunidad ito sa gobyerno upang maliwanagan ang publiko at international community na walang nangyayaring paglabag sa karapatang pantao.
Ang imbestigasyon ng UNHRC ay makakatulong na mailabas ang katotohanan tungkol sa drug war.
Umaasa ang CBCP official na papayagan ng gobyerno ang UNHRC na makapag-imbestiga sa bansa.