Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Imee Marcos na pwede pang maipabawi ang resolusyong inaprubahan ng United Nations Human Rights Council o UNHRC na nagpapa-imbestiga sa mga patayang nagaganap sa bansa sa harap ikinasang war on drugs ng administrasyong Duterte.
Mungkahi ni Marcos sa pamahalaan, mag-lobby o makiusap sa mga nag-abstain para sumama sa mga bomoto kontra sa nabanggit na resolusyon.
Ayon kay Marcos, kaibigan ng Pilipinas ang African at Arab States na kasama sa mga nag-abstain sa botohan.
Sa tingin ni Marcos, maaaring naagapan sana ang pag-apruba sa nabanggit na resolusyon kung nagtrabaho ang mga ambassador ng Pilipinas sa iba’t-ibang mga bansa na kasapi ng UNHRC.
Ipinaliwanag ni Marcos na matagal nang pinapaikot sa iba’t -ibang bansa ang nasabing resolusyon na binalangkas ng Iceland kaya dapat sana ay kumilos agad at nakipagnegosasyon ang ating mga ambassadors.