Binigyan ng 5-star rating ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may mataas na paghahanda sa remote learning.
Sa inilabas na Remote Learning Readiness Index ng UNICEF, kabilang ang Pilipinas sa low and middle income countries na binigyan ng mataas na marka ng UNICEF.
Kabilang sa mga pinagbasehan ang strong policy response, high emergency preparedness at ang existence of household factors.
Ikinatuwa naman ng Department of Education ang natanggap na pagkilala ng bansa at sinabing aabot sa higit 27 milyong estudyante ang nakapagpatuloy sa kanilang pag-aaral sa kabila ng nararansang pandemya.
Anila, inaalay nila ito sa mga guro, magulang, estudyante at stakeholders dahil sa pagkakaroon ng Basic Education-Learning Continuity Plan.
Maliban sa Pilipinas, nakatanggap din ng kaparehong pagkilala ang Argentina, Barbados, at Jamaica.