Nababahala ang United Nations Childrens Fund (UNICEF) para sa kalagayan ng mga kabataang apektado ng muling pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas.
Sa inilabas na pahayag ng UNICEF, binigyang-diin nito na nahaharap sa peligro at posibleng respiratory problems maging ang water borne at vaccine preventable diseases ang mga batang nakatira sa danger zones at mga nasa evacuation centers.
Habang malaki rin aniya ang posibilidad na mahawaan pa ng COVID-19 ang mga bata sa evacuation center lalo’t siksikan at limitado ang pasilidad.
Nanawagan naman ang UNICEF ng pagkakaroon ng psychosocial interventions upang maiwasan na ma-stress ang mga bata.
Sa ngayon, tiniyak ng UNICEF ang tulong sa ibibigay sa Pilipinas para maprotektahan ang mga bata kasabay ng pagpapadala ng emergency supplies sa mga apektadong lugar.