“Unicorn sky” – nakunan ng video sa Pagadian City

Pagadian City, Philippines – Trending ngayon sa facebook ang isang video ng umano’y “unicorn sky” o iridescent clouds.

Nakita ang makulay na ulap na ito sa Pagadian City sa Zamboanga Del Sur.

Ayon sa mga eksperto, ang mga ulap ay binabalutan ng maliliit na ice crystals at water droplets at kapag tinamaan ng liwanag mula sa araw, ito ay nagkakaroon ng mala-rainbow na kulay.


Ang video ay mayroon nang 1.3 million views, 6.2k reactions, at 1K shares sa facebook.
DZXL558

Facebook Comments