Ilulunsad na sa Setyembre 11, 2025 ang Unified 911 Emergency Hotline na magsisilbing iisang numero para sa lahat ng uri ng emerhensiya sa bansa.
Maaaring i-report dito ang mga kaso ng krimen at banta sa seguridad gaya ng nakawan, gulo, at karahasan. Saklaw din nito ang mga insidente ng sunog at aksidenteng may kaugnayan sa apoy, pati na rin ang mga medical emergency tulad ng biglaang pagkakasakit at malulubhang aksidente.
Ayon sa mga awtoridad, layunin ng hotline na gawing mas mabilis at mas epektibo ang pagtugon sa mga insidente, sa pamamagitan ng mas maayos na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Inaasahang magbibigay ito ng mas ligtas at mas episyenteng serbisyo para sa publiko, lalo na sa mga panahong kritikal ang bawat segundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









