Unified Electronic Ticketing System, ipatutupad na ng Philippine Ports Authority

Naniniwala ang Philippine Ports Authority (PPA) na hindi na mangyayari pa ang mahabang pila at paghihintay sa loob ng mga pantalan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hindi na mahihirapan ang mga pasahero sa sandaling maipatupad na ang Unified Electronic Ticketing System para sa mga pasahero, port personnel at iba pang stakeholders sa lahat ng port sa buong bansa.

Sa public demonstration at test run na isinagawa sa Port of Batangas at Port of Calapan, ipinamalas ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Dani Santiago ang malaking pagbabago at kaginhawaan na maidudulot ng programa.


Paliwanag ng DOTr, bahagi ito ng inilabas na direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magsagawa ng digital transformation sa mga proseso at sistema na aakma sa transformation “new normal”.

Dagdag pa ng DOTr, bukod sa bawas pila, mabilis na transaction at iwas-COVID, kabilang din sa mawawala na kapag inumpisahan ang proyekto ay ang kaso ng fixing, scalping at ang overloading dahil ang akmang kapasidad na lang ng barko ang maisasakay na pasahero.

Facebook Comments