Uniform curfew, ipatutupad sa Metro Manila simula March 15

Nagkasundo ang mga alkalde ng 17 Local Government Units ng National Capital Region (NCR) na magpatupad ng uniform curfew sa capital region.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, ipatutupad ang curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Magtatagal ang curfew sa loob ng dalawang linggo, na sinasabing acceptable incubation period para sa 2019 coronavirus.


Sinabi ni Abalos na nakakaalarma aniya ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, kaya ito ang naging batayan ng mga local chief executives na ipatupad ang curfew.

Sakaling bumaba ang COVID-19 cases ay agad na babawiin ang uniform curfew.

Ang resolusyon hinggil sa curfew ay binabalangkas na at lalagdaan ng 17-member mayors ng Metro Manila Council (MMC).

Ang MMC ang policy-making body ng MMDA.

Facebook Comments