Uniform travel protocols, panawagan ng DOT

Muling ipinapanawagan ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapatupad ng standardized health protocols sa lahat ng active tourism destinations sa bansa.

Batay sa online travel survey, isa sa mga hiling ng traveler-respondents ay magkaroon ng uniformed travel at safety protocols sa iba’t ibang destinasyon upang mapadali ang booking process.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, maging sila ay nahihirapan dahil iba-iba ang ipinapatupad na protocols ng mga Local Government Unit (LGU).


Isa pa aniya sa sentimiyento ng mga biyahero ay kailangang ‘personalize’ ang kanilang paglalakbay.

Tugon ni ahensya, maglulunsad sila ng development initiatives tulad ng business-to-business meetings, benchmarking product audit, at familiarization tours kung saan tampok ang mga bagong sites at attractions na makahihikayat sa mga tao na pumasyal.

Ang survey ay isinagawa ng DOT mula November 28 hanggang December 30, 2020.

Facebook Comments