Uniformed ordinances laban sa mga health protocol violators, iminungkahi ng IBP

Iminungkahi ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pamahalaan na gawin na lamang uniform ang city ordinances laban sa mga lumalabag sa health protocols kaysa kasuhan ang mga ito.

Sa interview ng DZXL 558 RMN Manila, ipinaliwanag ni IBP Chairman Domingo Cayosa na maraming proseso pa ang pagdadaanan bago mapatunayan sa korte kung nagpakalat ng virus ang isang indibidwal na positibo sa COVID-19.

Aniya, problema pa rin sa ngayon ang punuan ng mga kulungan sa bansa na posibleng pagmulan ng COVID-19 transmission.


Dahil dito, sinabi ni CAyosa na mas makabubuting community service na lang ang ipataw na parusa sa lumalabag sa health protocols o lakihan ng mga Local Government Unit ang multa sa mga lumalabag dito.

Maliban dito, dapat din aniyang magsilbing ehemplo ang mga opisyal sa pagsunod sa mga protocols.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na handa ang pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na patakaran sakaling patuloy na binabalewala at nilalabag ng mga tao ang health at safety protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments