UNILAB, tiniyak ang pakipagtutulungan sa kampanya ng FDA laban sa kumakalat na 6 na mga pekeng gamot

Tiniyak ng nangungunang pharmaceutical at health care company na Unilab, Inc. (Unilab), ang suporta nito sa kampanya ng Food and Drug Administration (FDA) laban sa kumakalat na anim na mga pekeng gamot na kinopya sa mga popular na over-the-counter medicines.

Partikular na kinopya ang mga pekeng gamot sa brand-name ng Medicol Advance, Bioflu, Tuseran Forte, Kremil-S, Alaxan FR at Biogesic.

Ayon sa Unilab, ang mga pekeng gamot ay maaaring magdulot ng paglala ng karamdaman ng pasyente at maaaring mauwi ito sa kamatayan.


Tiniyak din ng Unilab na mananatili ang kanilang pakikiisa sa pagprotekta ng government at non-government organizations sa kapakanan ng mga Pilipino.

Nag-abiso rin ang FDA sa health care professionals sa posibleng pinsala ng mga pekeng gamot na mabibili na rin sa merkado.

Hinikayat din ng FDA ang local government units at law enforcement agencies na tiyaking hindi umiikot sa kanilang mga nasasakupan ang mga pekeng gamot.

Facebook Comments