Manila, Philippines – No comment muna ang Union ng Bureau of Customs kaugnay sa 50 libong pisong ipinasweldo ng Customs sa mga kinuha nilang atleta.
Ayon kay Remedios Princess, presidente ng Bureau of Customs Employees Association, ngayong linggo pa lamang nakatakda silang magpulong kasama ang mga miyembro ng unyon kaugnay dito kaya naman hindi muna siya maglalabas ng pahayag para sa buong union.
Ayon kay Princess, una na rin naman naipaliwanag sa kanila ni Commissioner Faeldon ang pagkuha sa mga ito ay bilang ambassador para sa pagtataguyod ng imahe ng Customs sa publiko, kaya’t hindi na rin nila ikinagulat ang usapin.
Sa usapin naman ng pagri-renew ng contrata ng mga atleta, ayon kay Princess, basta naaayon sa batas at para sa ika uusad ng Customs ay nakahanda naman silang suportahan ito.
Union ng BOC, no comment sa 50 libong pisong ipinasweldo ng Customs sa mga atletac
Facebook Comments