Unit na Galing Marawi, Napasabak sa NPA

83

Dupax del Sur, Nueva Viscaya- Napasabak agad sa laban ang isang yunit na kagagaling sa Marawi laban sa mga elemento ng NPA.

Ito ay matapos magsumbong ang mga mamamayan ng Dupax del Sur sa panghihingi umano ng mga NPA ng pera, pagkain at supply sa kanila.

Nang rumesponde ang mga kasapi ng 72nd Division Reconnaisance Company ng 7th Infantry Division, Philippine Army na pinamumunuan ni 1lt Bethooven Cabanlit ay kanilang nakaengkuwentro ang di pa malaman na bilang ng NPA.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay 1Lt Catherine Hapin ang Division Public Affairs Officer ng 7ID, Philippine Army, ang bakbakan ay tumagal lamang ng 10 minuto dahil umatras agad ang mga NPA.

Narekober mula sa naturang bakbakan na nangyari bandang 1:15 ng hapon ng Nobyembre 14, 2017 ang dalawang M-14 Rifle, dalawang magazine, mga bala dalawang sardinas at ilang kilong bigas.

Tuloy pa hanggang sa kasalukuyan ang operasyon ng militar sa mga tumakas na NPA.

Facebook Comments