UniTeam, buo pa rin kahit wala na sa gabinete si VP Sara Duterte —PBBM

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling buo ang UniTeam.

Sa kabila ito ng pagkalas ni Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng kaniyang gabinete matapos magbitiw na kalihim ng Department of Education at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa ambush interview kanina, sinabi ni Pangulong Marcos na nananatili namang miyembro ng partidong Lakas-CMD si Duterte at hindi naman ang PDP Laban ang bahagi ng binuong UniTeam noong 2022 presidential elections.


Paliwanag pa ng Pangulo, pumasok si VP Sara sa UniTeam bilang miyembro ng Lakas-CMD at hindi ng ibang partido.

Pero mababago lang aniya ang UniTeam kung mag-iiba ng papanigan ang bise presidente pagdating sa eleksyon partikular sa oposisyon o administrasyon.

Facebook Comments