United Kingdom, posibleng makapagtala ng higit 83,000 katao na mamamatay dahil sa bagong uri ng COVID-19

Posibleng makapagtala ang United Kingdom (UK) ng mahigit 83,000 katao na mamamatay dahil sa bagong uri ng COVID-19.

Ito ang ibinabala ng Scientific Advisory Group for Emergencies (SAGE) sa naturang bansa.

Sa ngayon, base sa ulat ng National Health Service (NHS) pang-anim na ang UK sa pinakamaraming bilang ng tinamaan ng COVID-19 na pumalo na sa mahigit dalawang milyon.


Maaaring madamay na rin sa nasabing sakit ang humigit-kumulang sa 200,000 Filipino na nakatira sa nasabing bansa, kasama ang mga Pinoy health fronliner na dineploy ng National Health Service.

Sa ngayon, isinailalim na sa lockdown ang 24 milyong katao mula sa 70 milyong populasyon ng UK dahil sa naturang bagong virus.

Ayon din sa SAGE, dapat bilisan na ang pagbabakuna at gawin itong dalawang milyon kada linggo sa halip na nasa 600,000 lamang.

Facebook Comments