United Nations, binalaan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa war on drugs; Pangulong Duterte, hindi haharap sa imbestigasyon ng ICC

Binalaan ni United Nations Human Rights Chief Michelle Bachelet ang gobyerno ng Pilipinas na dapat maging makabuluhan ang ginagawang imbestigasyon sa nagpapatuloy na “drug war” ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng umano’y nadiskubre ng Human Rights Office na kawalan ng hustisya sa Pilipinas matapos ang pagpatay sa 17-anyos na mag-aaral na si Kian delos Santos noong 2017

Ayon kay Bachelet, mahalaga ang pagsasagawa ng re-investigation upang magkaroon ng magandang resulta kung mayroon nga bang paglabag ang bansa sa isyu sa karapatang pantao.


Sa ngayon, nanindigan na si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya haharap sa anumang paglilitis kaugnay sa kontrobersiyal na laban kontra droga.

Paliwanag kasi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mas gugustuhin ni Pangulong Duterte na humarap sa korte ng Pilipinas kaysa sa mga “puti” o “white people”.

Matatandaang una nang sinabi ni Roque na hinding-hindi makikiisa ang pangulo sa anumang imbestigasyon ng ICC dahil ayon dito hindi na parte ang Pilipinas ng Rome Statute kaya wala na itong kapangyarihang imbestigahan ang war on dugs ng bansa.

Facebook Comments