United Nations General Assembly, isasagawa sa pamamagitan ng virtual meeting sa unang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawing virtual meeting ang United Nations General Assembly sa Setyembre 22-29 bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Ayon kay United Nations President Tijjani Muhammad-Bande, mahigpit ang mga biyahe sa ibang mga bansa kaya’t naisipan nila ang ganitong pamamaraan.

Iminungkahi rin ng opisyal na dapat magsumite ng recorded 15 minute speech ang mga pangulo, prime minister at ibang mga government minister o UN ambassador limang araw bago ang nasabing assembly.


Facebook Comments