United Nations Human Rights Council, inatasan na ang Pilipinas na sagutin ang mahigit 200 rekomendasyon nito tungkol sa ‘War on Drugs’ at Extrajudicial Killings

Manila, Philippines – Inatasan na ng United Nations HumanRights Council o UNHRC ang Pilipinas na magsumite ng tugon sa mahigit 200rekomendasyon nito tungkol sa ‘war on drugs’ at Extrajudicial Killings (EJK).
 
Ito’y matapos magbigay ng bagsak na grado ang ilang gruposa ginawang presentasyon ng mga delegado ng Pilipinas sa estado ng karapatangpantao sa nangyaring universal periodic review ng UNHRC.
 
Karamihan sa mga rekomendasyon ay ang pagtigil sa EJK,pagtutol sa pagbuhay sa parusang kamatayan at payagang imbestigahan ng UN angmga kaso ng patayan.
 
Sa kabila nito, kumpiyansa ang pinuno ng Philippine Delegationna si Menandro Guevarra – tama ang kanilang datos sa isyu ng kampanya laban sailegal na droga.
  
Kasabay nito, naisumite na ng Pilipinas ang final reportng UNHRC para sagutin ito sa pagbabalik sesyon sa Setyembre.
 
Nauna nang sinabi ng Malakanyang na bukas sila sagagawing imbestigasyon ng un sa isyu ng EJK.
 
 

Facebook Comments