Manila, Philippines – Balak daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbitahan ang United Nations para magtayo ng human rights satellite office sa bansa.
Ito’y dahil na rin sa pagpuna nila sa war on drugs ng administrasyon.
Aniya, handa siyang pondohan ang pagpapatayo ng kanilang opisina at iminungkahing sumama ang kanilang miyembro sa mga police operation.
Kasabay nito, binanatan din muli ng pangulo si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon.
Sabi pa niya, kung hindi rin naman ibibigay sa CHR ang higit 600-milyong pisong pondo para rito ay ipambibili na lang niya ng mga pangangailangan ng PNP.
Facebook Comments