United Nations, nagbigay-respeto kina dating Japanese Prime Minister Abe at dating Angolan President dos Santos

77

Nagpaabot ng respeto ang United Nations Security Council sa dalawang nasawing dating world leaders na sina Japanese prime minister Shinzo Abe at dating Angolan president Jose Eduardo Dos Santos.

Ito ay matapos naglaan ng ilang minutong katahimikan ang mga diplomats bago magsagawa ng debate bilang pagrespeto sa mga yumaong former world leaders.

Sa isang pahayag, sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na labis siyang nalungkot sa pamamaril kay Abe habang nagpaabot ito ng pakikiramay sa pamilyang iniwan ni dos Santos.


Mababatid na nasawi si Abe matapos barilin nang malapitan ng isang gunman habang ito ay nagtatalumpati sa lungsod ng Nara sa Japan para sa parliamentary election.

Habang nasawi naman si Dos Santos kahapon sa isang ospital sa Barcelona, Spain matapos uminda ng cardiac arrest.

Facebook Comments