United Nations, nagpahayag na ng pagkabahala sa pagkamatay ng siyam na aktibista sa Calabarzon

Nagpahayag na ng pagkabahala ang United Nations (UN) kaugnay sa pagkamatay ng siyam na aktibista at pagkakaaresto ng anim na iba pa sa Calabarzon nitong nakalipas na araw.

Ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Spokesperson Ravina Shamdasani, nakakabahala ang tumataas na kaso ng patayan sa bansa.

Habang maaari din aniyang maging dahilan ang nangyari upang lumaganap pa ang red-tagging o pag-aakusa na miyembro ng isang Communist Party of the Philippines (CPP) ang mga mabibiktima.


Sa ngayon, hinimok na ng international group na Human Rights Watch (HRW) ang mga bansang miyembro ng UN na silipin ang lumalalang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Paliwanag kasi ng HRW, dapat ikunsidera ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights ang rapid response unit probe ng nasabing operasyon.

Habang binigyang diin ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na dapat panagutin ng United Nations sa nasabing hakbangin.

Facebook Comments