United Nations, nagpasalamat sa Pilipinas sa pagtanggap ng Afghan refugees

Pinuri ng United Nations ang pagtanggap ng Pilipinas sa Afghan refugees ilang linggo matapos mapasa-kamay ng Taliban ang kanilang bansa.

Ayon kay U.N. Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzales, nagpapasalamat siya sa naging desisyon na ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Una nang sinabi ni Locsin na nananatiling bukas ang Pilipinas para sa mga Afghan residents na gustong tumakas mula sa pamumuno ng Taliban.


Kagabi ay nagsimula nang dumating ang unang batch ng Afghan refugees kabilang ang mga kababaihan at mga bata.

Habang nangako naman ang U.N. ng tulong at suporta sa mga refugees na may mga kinakailangan pang requirements.

Facebook Comments