Wednesday, February 18, 2026

United Opposition, naghahanda na rin sa 2028

Naghahanda na rin ang United Opposition sa kanilang mapipiling standard-bearer o ipantatapat kay Vice President Sara Duterte sa 2028 national elections.

Ngayong umaga ay inanunsyo ni VP Sara sa isang press conference ang kanyang balak na pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2028.

Ayon kay Hontiveros, may free-will o kalayaan ang sinuman na mag-anunsyo sa kanilang pagkandidato at ang free-will na ito ay kanila na ring ginagamit dahil nasa proseso na rin sila ng pagtatakda ng sariling timeline bago i-anunsyo kung sino ang mapipili at tatakbong Pangulo sa kanilang hanay.

Sinabi ni Hontiveros na sa ngayon ay patuloy ang kanilang pagkakasundo sa mga qualifications na kanilang hinahanap.

Kabilang naman sa mga qualification ay ang pagkakaroon ng common values laban sa katiwalian, good-governance, tunay na pagkakaisa at paglaban sa pambansang soberenya.

Matatandaang naghayag din si Hontiveros ng pagiging bukas at kahandaan na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2028 bagamat hindi pa opisyal ang anunsyo nito.

Facebook Comments