United Transport Alliance of the Philippines (1-UTAP), hindi lalahok sa tigil pasada bukas

Hindi sasama sa ikinasang transport strike bukas ang mga transport groups na kabilang sa 1- United Transport Alliance of the Philippines (1-UTAP).

Kabilang sa di lalahok sa tigil pasada ay ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go Transport Coalition, Federation of Ayala Center Transport Terminals (FACCTI),
Unified Transport Federation of Makati City (UTFM) at mga samahan ng UV express sa mga mall.

Ayon kay FEJODAP National Chairman Ricardo “Boy” Rebano, isa sa sampung transport group sa ilalim ng 1-UTAP, nauunawaan nila ang sitwasyon ngayon sa harap ng krisis na hatid ng kaguluhan sa Ukraine.


Sa harap na rin ito ng nakaambang big time oil price increase bukas.

Ani ni Rebano, gagawin nila ito alang-alang sa kapakanan ng publiko at sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Nakikiusap sila sa gobyerno na pakinggan din ang kanilang karaingan.

Hindi kasi lahat ng operators at tsuper ang nakikinabang sa bigay na ayuda ng pamahalaan tulad ng fuel subsidy at iba pang programa.

Iginigiit din ng grupo na maipatupad ang Memorandum Circular (MC) ng LTFRB sa ilalim ng MC, awtomatikong magkakaroon ng pagtaas sa pamasahe kapag tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.

Mistulang hindi naman ito ipinapatupad ng ahensya.

Facebook Comments