“Unity”, isa sa mga solusyon para malampasan ang hamon ng matinding El Niño sa bansa – PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na hindi lamang isang teorya at slogan ang unity o pagkakaisa na isinulong niya noong 2022 presidential elections.

Ito ang pahayag ng pangulo kasunod ng nararanasang matinding epekto ng El Niño ngayong sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagkakaroon ng “unity” ng mga Pilipino at ng pamahalaan ay isa sa mga solusyon para malampasan ng bansa ang matinding epekto ng tagtuyot.


Tugon din aniya ang pagkakaisa para magtagumpay maging sa iba pang suliraning kinahaharap ng Pilipinas.

Halimbawa na lamang aniya sa Sultan Kudarat na may iba’t ibang relihiyon pero nagkakaisa at mayroong maayos na pamumuhay, at maunlad na ekonomiya.

Samantala, tiniyak ng pangulo na paiigitingin pa ng pamahalaan ang pagkakaisa nito para mapagtagumpayan ang mga unos at pagsubok, lalo na sa paglaban sa epekto ng El Niño.

Facebook Comments