Unity Symposium gagawin sa Cotabato City

Ilulunsad ng Muslim Youth Religious Organization ng Notre Dame University ang kanilang taunang programa na Phase 2 na pinamagatan na “Now I know, We stand for unity” .
Ito’y gagawin sa February 3 at 4, 2018 sa DepEd Schools Division Office, Function Hall sa ORC Village. Ang aktibidad na ito ay magtatagal simula alas otso ng umaga hanggang alas kwarto ng hapon.
Si Nasserudin Dunding ang inaasahang magiging panauhin at guest speaker sa unang araw ng programa at si Dr. Norudin Salam naman sa ikalawang araw ng aktibidad.
Ang layunin ng symposium na ito ay upang magbigay alam sa kabataan kung ano ang kahulugan ng pagkakaisa hindi lamang para sa mga muslim kung hindi para sa sangkatauhan. Ang programang ito ay bukas para sa lahat ng gustong dumalo at ang lahat ay iniimbitahan para sa nasabing programa.(Rahma Chio, NDU BaCom 3)

Facebook Comments