Magsasagawa ng Unity walk at Peace Covenant signing ang lahat ng mga kandidato dito sa lalawigan ng Isabela ngayong araw bilang bahagi ng Ugnayan ng Simbahan at Pulis (USAP) Campaign ng kapulisan at Simbahang Katoliko dito sa lalawigan.
Ganap na alas otso ng umaga ngayong araw ay pangungunahan ng PNP, Comelec,AFP, DOJ PPCRV, mga Religous Group, iba’t-ibang grupo at mga kandidato sa ibat ibang posisyon sa Lalawigan ang nasabing aktibidad.
Batay sa pakikipag ugnayan ng 98.5 RMN Cauayan kay PSI Frances Littaua ,tagapagsalita ng PNP Isabela, pasado alas siyete ng umaga sisimulan ang Unity walk mula sa isang mall sa Brgy Alibagu Ilagan City patungo sa Cathedral Church sa Gamu Isabela kung saan susundan ng isang maikling programa bago ang covenant Signing ng mga kandidato at ibat ibang ahensya ng pamahalaan na sasama sa naturang pagtitipon.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kandidato at mga mamamayan na tumulong ang mga ito sa mga awtoridad upang magkaroon ng malinis,maayos at payapang halalan 2019 dito sa lalawigan Isabela.
Magugunita na ang bayan ng Jones dito sa lalawigan ng Isabela ay naisama sa listahan mga awtoridad bilang “Red Area o Area of grave concern” ngayong 2019 Midterm Elections.