Unity walk, isasagawa kasabay ng pagsisimula ng election period

Manila, Philippines – Kasabay ng pagsisimula ng election period sa January 19, magsasagawang unity walk ang National Movement for Free Election o NAMFREL.

Ayon kay NAMFREL SecGen Eric Jude Avila – layon ng unity walk na isulong ang payapa at malinis na eleksyon.

Kaugnay nito, magkakaroon ng symbolic na pagpapalipad ng mga kalapati at covenant signing sa mga magkakatunggaling kandidato.


Sentro ng aktibidad sa Metro Manila pero magkakaroon din nito sa iba’t ibang lalawigan na dadaluhan ng AFP, PNP, mga pulitiko, acrredited watchdogs at iba pa.

Samantala, magsasagawa naman ng pagpupulong ang regional joint security control center sa region 2 sa Enero 11 upang i-assess ang mga lugar na posibleng ilagay sa election watchlist.

Magsisimula ang campaign period para sa mga national candidates kabilang ang partylist sa February 12 hanggang May 11 habang sa March 29 hanggang May 11 ang sa mga local candidates.

Magtatagal ang election period hanggang June 12, 2019.

Facebook Comments