*Cauayan City, Isabela*- Tuluyan nang iwinaksi ng mga mamamayan ng Santa Isabel Sur at Norte ang mga makakaliwang pangkat sa kanilang lugar sa pamamagitan ng kanilang pagtutol na muling makapasok sa kanilang barangay ang mga NPA.
Sa kanilang isinagawang peace covenant signing at unity walk kanilang iwinagayway ang ang mga plakards na nakasulat ang kanilang pagtutol sa pagpasok at panghihikayat ng ilang mga leader magsasaka sa kanilang mga kabarangay sa sumapi sa ilang mga progresibong mga samahan binubuo sa kanilang lugar gaya ng Dagami o Danggayan ti Mannalon Ti Isabela na nauugnay di umano sa mgas NPA.
Ayon kay City Mayor Jose Marie L. Diaz, panahon na upang wakasan at putulin ang anumang ugnayan ng kanyang mga kababayan sa mga makakaliwang pangkat. napapanahon narin anya at narararapat lamang na suportahan ang anumang programa ng pamahalaan upang mas mapabilis ang pag unlad ng Siyudad ng Ilagan.
Maging ang mga kabataan at mag aaral ay kanyang pinayuhan na maging mapanuri sa kanilang paligid at komunidad upang hindi malilang o mahikayat ang mga ito na sumapi sa mga rebelde at masira ang kinabukasan ng mga ito.
Mahalaga aniya na magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat ilagueno upang matupad ang minimithing kaunlaran at kapayaan sa sa buong bansa.
Nangako naman ang mga kasundaluhan na patuloy umano nilang babantayan ang nasabing lugar upang hindi na makabalik ang mga kalaban ng gobyerno nagnanais na maghasik ng karahasan sa naturang barangay lalo na ang mga NPA.
Dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang unity walk na inorganisa ng mga kasundaluhan sa pangunguna ng 95th IB sa pamumuno ni Lt.Col. Gladius Calilan at ng 5th Civil Military Operations Batallion sa ilalim ni Lt.Col. Camilo Sadam.