“Unity Walk,” laban sa suspensyon ng PUV modernization, sinuportahan ng ilan pang transport group

Makikiisa sa “Unity Walk” ng Magnificent 7 ngayong araw ang grupong Pambansang Asosasyon ng mga Transportasyong Tsuper at Operator para sa Kaunlaran ng Pilipinas o PATTOK.

Ipakikita rin ng grupo ang kanilang suporta laban sa suspensyon sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon kay Allan Nonato, ang chairman ng PATTOK Pilipinas, mahigit 100 kooperatiba mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang sumusuporta sa modernisasyon sa transportasyon.


Paliwanag ni Nonato, hindi solusyon ang suspensyon sa programa ng pamahalaan at malaki ang epekto nito sa sektor ng transportasyon.

Pinangangambahan din ng mga ito na madagdagan pa ang mga kolorum na magiging kompitensya ng mga kooperatiba na may legal na prangkisa.

Sinabi naman ni Julius Flores, tagapagsalita ng PRO MOVERS at Board of Director ng PATTOK Pilipinas, nangangamba silang mauwi sa krisis at pagbagsak ng ekonomoya sa oras na masuspinde ang implementasyon ng PUV Modernization.

Marami ang mawawalan ng trabaho at hindi rin makakabayad ang mga nangungutang sa bangko para makabili ng modern jeepney.

Facebook Comments