Nagsimula na ang unity walk na pangungunahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting Lingayen Dagupan bilang pakikiisa sa malinis at mapayapang halalan ngayong taon.
Ang isinasagawang aktibidad ay may layuning makamit ang CHAMP elections o clean, honest, accountable, meaningful at peaceful na pagboto sa buong lalawigan.
Inaasahang dadaluhan ng mga magsisilbing volunteers ang naturang aktibidad kabilang ang ilang opisyal ng Archdiocese of Lingayen Dagupan.
Tiniyak naman na may sapat na koordinasyon sa ibang ahensya para sa maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga dadalo ngayong araw.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









