Itinutulak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagkakaroon ng universal access sa COVID-19 vaccine.
Ito ang ipinanawagan ng kalihim sa virtual High-Level Meeting kasabay ng 75th United Nations General Assembly (UNGA) meeting.
Iginiit ni Locsin na mahalagang may access ang lahat ng bansa, anuman ang lahi o estado sa buhay sa bakuna na walang preconditions.
“You know decency when you see it; it is indecent when you don’t. A case soon to be made in point will be the universal availability of COVID vaccines without requiring any people, class or country to submit to another’s will as the price of cure,” sabi ni Locsin.
Sinabi rin ni Locsin na ang UN, na isang credible platform, ay nananatiling mahalagang organisasyon lalo na at patuloy ang paglaban ng buong mundo sa pandemya.
“As long as the UN exists, none can trumpet the end of multilateralism. But it must be a UN strengthened in its every member; so that together they can achieve peace, democracy and prosperity in a world where every state is accountable for the consequences of its action or inaction; where any of “we, the peoples…” can put up a credible fight long enough to make our case for UN help,” ani Locsin.
Muling tiniyak ng kalihim ang commitment ng Pilipinas sa multilateral body.