Manila, Philippines – Napirmahan na ni House Speaker Gloria Arroyo ang bersyon ng Kamara na Universal Health Care Bill.
Agad na ipinasa sa Senado ang pirmadong panukala para sa pagapruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Layunin ng panukala na tiyakin ang pagkakaroon ng access para sa de-kalidad at abot-kayang health care goods at services.
Palalakasin din nito ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mahihirap sa malalayong probinsya.
Sa ilalim ng UHC Act, bawat Pilipino ay otomatikong isasama sa National Health Insurance Program (NHIP) at makakatanggap ng primary medical, dental, mental at emergency health services, medicines, diagnostics at laboratory gayundin ang preventive, curative at rehabilitative care.
Facebook Comments