Universal Health Care, hindi kayang ipatupad buong bansa

Aminado si Dept. of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na hindi kayang ipatupad sa buong bansa ang Universal Healthcare dahil sa kakulangan ng pondo.

Ayon kay Duque, 33 probinsya at siyudad lamang ang napasama sa unang batch ng mabibigyan ng ayuda sa susunod na taon.

Dahil aniya sa maliit na pondo, hindi pwede itong pagkasiyahin sa lahat dahil hindi rin magiging epektibo ang pagpapatupad ng programa.


Matatandaang nitong Pebrero ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Healthcare Law na layong gawing miyembro ng PhilHealth ang bawat Pilipino at gawing abot-kaya ang tulong medikal lalo sa mga nakatira sa malalayong lugar.

Facebook Comments