Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling na pagbasa ng kamara ang Universal Health Care Bill o ang house bill 5784.
Sa botong 222 na Yes at 7 na No ay pasado na sa Kamara ang panukala.
Nakasaad sa Universal Health Care Bill na tungkulin ng estado na bigyang halaga ang right to health ng bawat Pilipino.
Kabilang sa mahalagang probisyon ng Universal Health Care ay ang pagtatakda na kailangang maibigay sa mga Pilipino ang lahat ng uri ng serbisyong pangkalusugan tulad ng inpatient, outpatient at emergency care services maging ang dental at mental health services.
Sa ilalim din ng panukala, ang Philhealth ay ire-reconstruct bilang Philippine Health Security Corporation.
Itinatakda din ng panukala na mananatili sa mga government health facilities ang kanilang kita para magamit ito sa pagpapataas ng kalidad ng kanilang serbisyo.