Manila, Philippines – Plano ng Department of Health (DOH) na tumanggap ng 25,000 tauhan sa buong bansa para makamit ang layunin nito para sa universal health care program.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kailangang madagdagan ang mga health professionals para maibigay ang mabuting health services sa buong bansa.
Kabilang din sa hiring of personnel ay nurses, pharmacists at iba pa.
Ani Domingo, ang kasalukuyang ratio ng mga doktor sa pasyente nito ay 1:1,500.
Target ng DOH na gawin itong 1:800.
Ang kasalukuyang doctor-patient ratio ay applicable sa mga lungsod sa Metro Manila at Davao City.
Ang problema ay sa mga malalayo at liblib na lugar kung saan malaking hamon para sa mga doktor at kawalan ng pasilidad gaya ng health centers.
Facebook Comments