University of Makati, nag-aalok ng scholarship para sa mga estudyante mula Marawi at mga anak ng mga sundalong namatay sa bakbakan

Manila, Philippines – Bukas ang University of Makati (UMAK) at nag-aalok ng scholarship sa mga estudyante mula Marawi City at sa mga anak ng mga sundalo namatay sa bakbakan.

Tutulungan ng lokal ng pamahalaan ng Makati ang mga kabataang naapektuhan ng nagaganap na bakbakan para mapagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng naturang krisis.

Tutulungan din ang mga anak ng mga sundalong nagsakripisyo ng buhay para bayan.


Nakahanda na ang help desk sa admissions office nito para tulungan ang mga estudyante na gustong magpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Samantala, tumanggap din ng 78 students mula Marawi City ang ilan paaralan sa Quezon City.
Ayon kay Superintendent Dr. Elizabeth Quesada, 73 sa nasabing bilang ay nagmula sa Marawi City habang ang 5 naman ay mula sa mga kalapit na bayan ng lungsod sa Lanao Del Sur.
Karamihan ng mga transferees ay inadmit sa mga paaralan na matatagpuan sa district V at VI na kung saan ay matatagpuan dito ang mga Muslim communities.
Dagdag ni Quesada, napunta ang mga estudyante sa culiat elementary school at culiat high school sa district V.

Facebook Comments