Monday, April 13, 2026

Unlad Lokal Roadshow Caravan, isinasagawa sa Quezon City ngayong Lunes

Makakatanggap ng libre at direktang tulong ang mga content creator, online sellers, at affiliates sa TikTok mula sa mga TikTok Shop trainers.

Ito ay sa ginaganap na Unlad Lokal Roadshow Caravan sa Quezon City MICE (Meetings, Incentives, Conferences, and Exhibitions) Center ngayong Lunes, April 13.

Kabilang sa mga itinuturo sa aktibidad ang paggawa at pagpapalago ng TikTok Shop, basic knowledge sa live selling at content creation, at paggamit ng TikTok Ads para sa promosyon.

Layunin ng programa na matulungan ang mga residente na kumita kahit nasa bahay lamang, at mahikayat ang mga MSME na dalhin online ang kanilang mga negosyo.

Nagsimula ang aktibidad kaninang alas-9 ng umaga at tatagal hanggang alas-4 ng hapon.

Facebook Comments